Skusta Clee, humingi ng tawad kay Zeinab Harake; aminado sa kasalanan niya

Skusta Clee, humingi ng tawad kay Zeinab Harake; aminado sa kasalanan niya

- Sinagot ni Skusta Clee sa kanyang live sa Instagram ang ilang mga katanungan ng mga netizens

- Aminado si Skusta na may nagawa talaga siyang mali kaya naiintindihan niya umano ang desisyon ni Zeinab na huwag ipakita sa kanya ang anak nila

- Sobrang bilib naman daw siya sa pagiging nanay ni Zeinab sa anak nilang si Bia na aniya ay sobrang na-miss niya na

- Humingi din siya ng tawad kay Zeinab sa naturang video at sinabi niyang hindi naman siya perpektong tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiintindihan daw ni Skusta Clee yung desisyon ni Zeinab Harake na ilayo sa kanya ang anak, Aniya, alam niyang may mali siyang nagawa.

Skusta Clee, humingi ng tawad kay Zeinab Harake; aminado sa kasalanan niya
Skusta Clee, humingi ng tawad kay Zeinab Harake; aminado sa kasalanan niya (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Humingi ng pasensiya si Skusta kay Zeinab dahil aniya ay tao lang din siya. Sa live video niya sa Instagram, nabahagi din ni Skusta na bilib siya sa pagiging ina ni Zeinab sa anak nila. Inamin niya din na kahinaan niya si Bia. Ito lang umano ang nakakapagpapalambot sa kanya.

Read also

Zeinab Harake, bukambibig sina Bia at Lucas nang magpunta sa Dubai

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate