Herlene Budol at Team Kafreshness, namigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Uganda
- Namigay ng maagang pamasko si Herlene Budol at Team Kafreshness sa mga piling bata sa Uganda
- Namahagi sila ng mga school supplies at Pinoy snacks na pambata sa mga mag-aaral sa isang paaralan doon
- Ani Herlene, naloko man sila sa sasalihan sanang pageant, masaya pa rin siyang nakapagbigay saya sa mga bata sa Uganda
- Aniya, iyon marahil ang kanyang misyon sa pagpunta doon ang makapagbahagi ng biyaya maging sa ibang bansa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Namahagi ng maagang pamasko si Herlene Budol sa mga piling bata sa Uganda.
Nalaman ng KAMI na sinulit na lamang nina Herlene at manager na si Wilbert Tolentino gayundin ang Team Kafreshness maging si Madam Inutz ang pamamalagi nila sa Uganda sa Africa.
Bago nga sila bumalik noon sa Pilipinas, pumunta sila sa isang paaralan sa Uganda kung saan namigay sila ng mga school supplies at Pinoy snacks sa mga bata doon.
Sa pagdating palang nina Herlene sa paaralan, sinalubong na sila ng mga batang nakangiti at mababakas ang saya sa kanilang pagdating.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Everything happens for a reason. Ito 'yung purpose kung bakit tayo pumunta dito. Naloko man tayo, ito 'yung purpose natin, 'yung makatulong tayo sa ibang bansa," ani Herlene na tila napalitan na ng mga ngiti ang luha mula sa sinapit sa Miss Planet International 2022.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino:
Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".
Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.
Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.
Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.
Matapos na makamit ang first-runner up sa nasabing pageant. Siya ang napiling kinatawan para sa Miss Planet International 2022 sa Uganda subalit sa kasamaang palad, mismong ang naturang pageant ang hindi natuloy sa dami ng umano'y naging problema nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh