Brenda Mage, nagbahagi ng "nose reveal" video matapos niyang magpagawa ng ilong

Brenda Mage, nagbahagi ng "nose reveal" video matapos niyang magpagawa ng ilong

- Pinakita ni Brenda Mage ang itsura ng ilong niya matapos niyang magpa enhance ng bridge ng ilong niya at nagpa-alarplasty

- Hindi pa ito tuluyang humihilom ngunit kapansin-pansin ang pagtangos ng bridge ng kanyang ilong

- Aniya, ang kanyang pinanggastos sa naturang pagpapaayos ng ilong ay mula sa kanyang napanalunan sa Ms Q&A

- Sa isa pang post ni Brenda ay pinakita niya ang aniya'y isusuot sana niya sa Starmagic Christmas party ngunit dahil kakatapos pa lang niya magpaayos ng ilong ay hindi na siya nakadalo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Brenda Mage ng "nose reveal" video kasunod ng kanyang pagpapaayos ng ilong niya kamakailan. Hindi pa umiimpis ang pamamaga ngunit makikita na ang pagbabago sa kanyang ilong.

Brenda Mage, nagbahagi ng "nose reveal" video matapos niyang magpagawa ng ilong
Brenda Mage, nagbahagi ng "nose reveal" video matapos niyang magpagawa ng ilong (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Nabanggit niyang ang pagpapagawa niya ng ilong ay mula sa perang napanalunan niya sa kanyang muling pagsabak sa Ms Q&A.

Read also

Brenda Mage, pinakita ang video ng kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong

Matatandaang sa naunang video na binahagi niya ay sinabi niyang ayaw niyang may ilalagay na silicone sa ilong niya dahil magalaw siya sa stage at pinipisil ng ilan sa mga nagpapapicture sa kanya ang ilong niya. Nilinaw niyang ayaw niyang magpa-rhinoplasty at fillers lamang ang ipapalagay niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Read also

Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo"

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel