Gladys Reyes, hinangaan ng marami sa kanyang Non-stop dance hula hoop medley

Gladys Reyes, hinangaan ng marami sa kanyang Non-stop dance hula hoop medley

- Viral ang video ni Gladys Reyes na nagawang sayawin ang TikTok medley gamit ang kanyang hula hoop

- Sa tinatayang nasa tatlong minutong video, makikitang walang palya sa pa-hula hoop si Gladys habang sinasayaw ang pabago-bagong TikTok songs

- Labis itong nakamamangha gayung nagawa niya ito nang hindi nalalaglag ang hula hoop

- Makailang videos na ni Gladys ang labis na kinagiliwan ng netizens dahil sa husay nitosa pag-hula hoop

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang video ni Gladys Reyes na sumasayaw habang naghu-hula hoop.

Gladys Reyes, hinangaan ng marami nang sayawin ang TikTok medley gamit ang hulahoop
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi lamang ito basta pagsasayaw, kundi TikTok medley kaya naman paiba-iba ng awitin na mayroon ding iba't ibang steps.

Tinatayang nasa tatlong minuto rin ang video kung saan dire-diretsong naghu-hula hoop si Gladys at hindi ito nalaglag hanggang sa matapos ang TikTok medley.

Read also

Ogie Diaz, halos i-delete noon ang Twitter niya dahil sa mga fans ni Jake Zyrus

Inspirasyon ang hatid nito sa mga kagaya niyang mommies na hinihikayat din niyang mag-hula hoop na mabisa umanong exercise at pampapawis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Non-stop dance hula hoop medley! Let's go mommies!" ang caption ni Gladys sa kanyang post.

Samantala, narito ang komento ng mga netizens na labis na bumilib kay Gladys:

"Kaya naman pala slim pa rin si Miss Gladys, Go Mommy Gladys!"
"Hindi ko magawang gayahin kasi na-amaze na lang ako at nanood. Ang galing ni Gladys Reyes."
"Sorry pero hindi po kita kayang gayahin Gladys Reyes. Ang galing, walang mintis"
"Nanood na lang po talaga ako, ang galing po ninyo Miss Gladys. Sana makayanan ko rin yan"

Si Gladys Reyes ay isang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na siyang naging teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niyang nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Read also

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing Tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila ng kanya-kanilang mga negosyo na labis nilang pinagsasalamatan lalo na sa kasagsagan 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel