Ivana at Zeinab, nag-bonding sa Baguio; "Malay mo nandito pala forever natin"

Ivana at Zeinab, nag-bonding sa Baguio; "Malay mo nandito pala forever natin"

- Sa bagong vlog ni Ivana Alawi, makikitang kasama niya si Zeinab Harake at ibang friends nila sa Baguio

- Todo bonding sila ng mga kaibigan kung saan hinamon pa nila si Ivana ng crop top challenge sa kabila ng lamig doon

- Nagbiro pa ang dalawa na baka nasa Baguio umano ang mga lalaking para sa kanila

- Matatandaang minsang nadawit ang pangalan ni Ivana sa umano'y rebelasyon ni Wilbert Tolentino kay Zeinab Harake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nakipagbonding naman si Ivana Alawi sa kanyang mga kaibigan na kasama niya sa Baguio City.

Ivana at Zeinab, nag-bonding sa Baguio; "Malay mo nandito pala forever natin"
Zeinab Harake ang Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa sa mga kaibigang kasama ni Ivana ay si Zeinab Harake gayundin ang kapatid nitong si Rana.

Masaya ang kulitan nila lalo na nang hamunin nila si Ivana ng 'crop top challenge' sa gitna ng malamig na klima sa Baguio.

Game na game naman si Ivana na naka-crop top lang habang namamasyal sa Baguio kahit nakakaramdam na talaga ito ng panlalamig.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkabiruan pa sila ni Zeinab na baka nasa Baguio na ang nakatakda para sa kanila.

"Walang magbibigay niyan sa'tin ma... Ibigay na lang natin sa isa't isa," habang nakayakap kay Ivana.

Nabanggit din ni Zeinab na sa mga lakad nila ni Ivana, madalas siya nitong ilibre.

Narito ang kabuuan ng kanilang kulitan mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Sa muling pagsasama nina Ivana at Zeinab Harake sa kanyang vlog, kumasa sila sa "sis for a day challenge" kung saan bumili pa sila ng twinning bracelet.

Patunay lamang na nalampasan na nila ang kontrobersya ng umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino tungkol kay Zeinab Harake at sa iba pang mga kilalang vlogger sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel