Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo"

Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo"

- Inunahan na ni Chie Filomeno ang mga neetizens sa magiging komento ng mga ito sa kanyang TikTok video kung saan ginamit niya ang clone filter

- Aniya, alam na niya ang i-co-comment ng mga ito sa kanyang post na umabot na sa 5 milyon ang views

- Hindi nga siya nagkamali at marami sa mga komento ng netizens ay patungkol sa anila'y "sabay na" na pagsasayaw

- Matatandaang naging viral ang video ng pagsasayaw ng Girltrends na kinabilangan ni China dahil hindi sila sabay sa pagsasayaw sa naturang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Chie Filomeno matapos niyang mag-post ng TikTok video ng kanyang pagsasayaw gamit ang clone filter. Ani Chie, alam na niya ang i-co-comment ng mga netizens sa kanyang post na umabot na sa mahigit 5 milyon ang views.

Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo"
Chie Filomeno, inunahan ang netizens: "Alam ko na ano i-cocomment niyo" (@chiefilomeno)
Source: Instagram

Hindi nga siya nagkamali dahil karamihan sa mga comment sa naturang post niya ay patungkol sa umano'y "sabay na" na pagsasayaw. Matatandaang naging usap-usapan ang isang performance ng grupong Girltrends na kinabilangan ni Chie dahil hindi sila nagkakasabay-sabay sa naturang performance.

Read also

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime. Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan ay nag-post si Chie ng picture niya suot ang kanyang gown sa Preview Ball. Kabilang ang kaibigan niyang si Barbie Imperial sa mga nagkomento sa kanyang post. Inasar siya ni Barbie na hindi nito kayang sumakay sa motor dahil sa suot. Sagot naman ni Chie ay hindi sigurado si Barbie kung hindi ba talaga nya kayang gawin iyon. Dagdag pa niya mag-aangkas pa siya.

Naging usap-usapan din ang patutsadahan nina Chie at ni Valentine Rosales kamakailn sa FB page ng Manila Bulletin has gone viral. Ito ay matapos mag-post ng isang lathala kaugnay sa Driver’s License at passport picture ni Chie. Matapos mag-komento ni Valentine ay hindi nakapagpigil si Chie na sumagot. Hindi dito natapos ang sagutan nila matapos sumagot uli ni Valentine.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel