Jak Roberto, pinakita kay Barbie Forteza ang disenyo ng ipapagawa niyang bahay

Jak Roberto, pinakita kay Barbie Forteza ang disenyo ng ipapagawa niyang bahay

- Pinakita ni Jak Roberto ang “walk-thru” ng kanyang ipapatayong dream house sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza

- Sa kanyang bagong vlog na may pamagat na "Reaksiyon ng aking irog sa aming tahanan," kinaaliwan ang mga hirit ni Barbie

- Ayon kay Barbie, masaya siya para kay Jak na unti-unti nang nagiging totoo ang pangarap niyang makapagpatayo ng sarili niyang bahay

- Kinilig naman ang mga tagahanga nilang dalawa nang tanungin ni Jak si Barbie kung titira daw ba si Barbie sa bahay niya kung matapos na ang pinapagawa niyang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa vlog ni Jak kung saan pinakita niya kay Barbie ang “walk-thru” ng kanyang ipapatayong dream house. Kinilig din ang mga tagahanga nilang dalawa nang tanungin ni Jak si Barbie kung titira daw ba si Barbie sa bahay niya kung matapos na ang pinapagawa niyang bahay.

Read also

Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak

Jak Roberto, pinakita kay Barbie Forteza ang disenyo ng ipapagawa niyang bahay
Jak Roberto, pinakita kay Barbie Forteza ang disenyo ng ipapagawa niyang bahay (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Ayon kay Barbie, masaya siya para kay Jak na unti-unti na nitong natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sarili niyang bahay. Aniya, lagi lang siyang nakasuporta kay Jak.

Puring-puri din ni Jak si Barbie sa mahusay nitong pagganap sa seryeng "Maria Clara At Ibarra." Aniya maging siya ay napabilib sa husay ni Barbie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptation ng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Jak Roberto ang isang virtual tour sa kanyang dream house na dinesenyo ng mga Tier One Architects. Pinakita niya ang naging proseso ng kanyang pagpapagawa ng design. Masaya siyang matapos ang ilang taon na pagpaplano ay mauumpisahan na ang pagpapagawa niya ng bahay niya. Nangako siyang magbibigay siya ng update kaugnay sa pinapagawa niyang bahay.

Maging si Barbie ay nag-post din tungkol sa kanyang pagpapagawa ng bahay niya kamakailan. Binahagi niya ang groundbreaking ceremony para sa ipapagawa niyang bahay para sa kanya at sa pamilya nya. Aniya, proud siya sa kanyang sarili sa kanyang bagong milestone. Kabilang sina Jak Roberto, Julie Anne San Jose, Carla Abellana at Andrea Torres sa bumati sa kanya sa bago niyang accomplishment.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel