Aiko Melendez, pinuntahan at tinulungan ang isang pamilyang nakatira sa likod ng mga nitso

Aiko Melendez, pinuntahan at tinulungan ang isang pamilyang nakatira sa likod ng mga nitso

- Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Konsehal Aiko Melendez ang lagay ng ilang mga pamilya sa Bagbag cemetery sa Quezon City

- Sa likod ng mga nitso, makikita ang mga matitiyagang namumuhay at naninirahan doon kasama ang kanilang pamilya

- Isang ginang ang napiling tulungan ni Aiko dahil sa kalagayan nito kasama ang limang anak

- Binigyan niya ito ng grocery at tulong pinansyal na maaring gawing puhunan sa nanaising pangkabuhayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagtungo si Konsehal Aiko Melendez sa Bagbag cemetery upang personal na dalawin ang isang ginang na nais niyang tulungan.

Aiko Melendez, pinuntahan at tinulungan ang isang pamilyang nakatira sa likod ng mga nitso
Aiko Melendez (Aiko Melendez YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nakatira ang 37-anyos na si Myrna sa likod ng mga nitso ng naturang sementeryo sa isang maliit na silid na nasa ikalawang palapag.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon kasama ang limang mga anak, inakyat ito ni Aiko upang mas makilala si Myrna at pamilya nito.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Doon nalaman ng konsehal na bagama't may mister si Myrna na siyang nagtataguyod sa kanilang pamilya, aminadong kinakapos pa rin sila sa pang-araw araw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman siya makapag-hanapbuhay gayung may dalawa pa siyang maliliit na mga anak na kailangan pa ring alagaan.

Dahil dito, nag-abot ng grocery a mga gamit pambata gayundin ang tulong pinansyal si Konsehal Aiko para sa anumang pangkabuhayan na nais simulan ni Myrna.

Ayon pa kay Aiko, simula lamang ito ng kanyang pag-iikot para makatulong sa ilang pamilyang Pilipino na aminadong naghihikahos.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa amang si Jomari Yllana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica