Karen Davila sa kanyang 52nd birthday: "recovering from COVID a 2nd time"

Karen Davila sa kanyang 52nd birthday: "recovering from COVID a 2nd time"

- Sa kanyang birthday post, nabanggit ni Karen Davila na naka-recover na rin umano siya sa COVID-19

- Ito ang ikalawang pagkakataong tinamaan siya ng naturang virus

- Labis-labis ang pasasalamat ni Karen sa pagsapit ng bagong taon sa kanyang buhay

- Bukod sa mga pagbati, umani rin ng papuri si Karen dahil looking young pa rin umano ito sa kanyang edad

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kanyang birthday post, ibinahagi ni Karen Davila na naka-recover na muli siya sa COVID-19.

Karen Davila sa kanyang 52nd birthday; "recovering from COVID a 2nd time"
Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ang ikalawang pagkakataon na tinamaan siya ng naturang virus.

"Waking up to 52. It’s been a quiet week of self-reflection leading up to my birthday recovering from COVID a 2nd time," panimula ni Karen.

"To some degree, I welcomed it - it gave me time alone, a week of pause, a break from daily life & the peace of having not to rush," dagdag pa niya.

Read also

“Maalaala Mo Kaya,” magpapaalam na pagkatapos ng 31 taon sa ere; Charo Santos: “maraming-maraming salamat”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I am blessed. I am immensely grateful for everything. The good with the bad, the hard with the easy. All for God’s good purpose," ani Karen.

Sa comment section ng naturang post, bumaha ng pagbati kay Karen at marami ang humanga sa kanyang pangangalaga sa sarili.

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday na November 21.

Kamakailan, nakapanayam naman siya ni Korina Sanchez kung saan harapang nasabi ni Karen na kinatatakutan niya noon si Korina kaya hindi niya ito madalas kausapin noon.

Read also

Andrew Schimmer, wagi bilang Asia's Most Inspiring Actor and Model of the Year

Ang naturang interview ni Korina at Karen ang kauna-unahang pagkakataong nakapanayam nila ang isa't isa. Sa loob ng 22 taon sa ABS-CBN, kailanma'y hindi sila nagkaroon ng pagkakataon tulad nang nangyaring panayam ni Korina sa mismong tahanan pa ni Karen Davila.

Samantala, sa pinakabagong episode ng YouTube channel ni Karen, nakapanayam naman niya ang mag-asawang sina Neri at Chito Miranda patungkol sa kanilang magandang pamilya at ang kabi-kabilang mga negosyo ni Neri.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel