Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"

Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"

- Binati ni Paolo Contis si Yen Santos sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-30 taon ngayong araw, November 20, 2022

- Kalakip ng kanyang pagbati kay Yen na kanyang tinawag na "My Best Actress" ay ang mga pictures nilang dalawa

- Ito ang unang pagkakataon na nag-post ang aktor ng picture nila ni Yen na magkasama matapos masangkot sa kontrobersiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang nagkatrabaho sina Yen at Paolo sa pelikulang A Faraway Land kung saan ginawaran nga kamakailan si Yen ng Best Actress sa ginanap na 45th Gawad Urian

Binati ni Paolo Contis ang kanyang "Best Actress" na si Yen Santos. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Paolo ang mga pictures ng aktres at pictures nilang magkasama.

Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"
Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress" (@paolo_contis)
Source: Instagram

Nagyong araw ay nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan si Yen. Ito ang unang pagkakataon na nagabahagi si Paolo ng pictures ni Yen sa kanyang Instagram feed simula nang masangkot sila sa kontrobersiya.

Read also

Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis; sinabing siya ang no. 1 fan ni Paolo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"
Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress" (@paolo_contis)
Source: Instagram

Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress"
Paolo Contis, binahagi ang pictures nila ni Yen Santos na tinawag niyang "My Best Actress" (@paolo_contis)
Source: Instagram

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Read also

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

Si Yen ang tinanghal na best actress sa ginanap na 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang leading man sa pelikulang A Faraway Land na si Paolo. Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo. Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel