Xian Gaza, nilinaw na ang "sugar baby" niya ang pinatatamaan sa kanyang post

Xian Gaza, nilinaw na ang "sugar baby" niya ang pinatatamaan sa kanyang post

- Sinagot ni Xian Gaza ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy"

- Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera

- Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito

- Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Xian Gaza, ang kanyang dahilan sa pag-post tungkol sa mga babaeng may mga sugar daddy ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Ito ang kanyang sagot sa mahabang post ni Donnalyn Bartolome kaugnay sa kanyang post.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

Xian Gaza, nilinaw na ang "sugar baby" nya ang pinatatamaan sa kanyang post
Xian Gaza, nilinaw na ang "sugar baby" nya ang pinatatamaan sa kanyang post (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Sinabi niya din na kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito.

Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae".

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wehh anglayo po ng explanation mo sa ginawa mong pangbaba sa lahat ng babae eh.. no offense ulit. Uii supportive sa business ng friend niya yarnn? yes like Sugar Baddie yan opposite word ng Sugar Daddy hehe

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Kamakailan ay nabanggit ni Xian si Dennis Padilla sa kanyang Facebook post na agad na nag-viral. Isang prangkang mensahe ang nilabas nito para kay Dennis tungkol sa Father's Day greetings. Ayon kay Xian, hindi dapat hinihingi sa mga anak ang ganoong pagbati. Aniya, hindi dapat umasa ng pagbati mula sa mga anak lalo na “kung wala kang kwentang tatay."

Kasunod ng pag-viral ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang pahayag tungkol sa "history," nag-post si Xian ng screenshot ng art card na naglalaman ng naging pahayag ni Ella. Kalakip din sa kanyang post ang kanyang picture na nagpapakita ng gulat na reaksiyon niya. Agad na umani ng reaksiyon at komento ang post na ito ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel