Aljur Abrenica, nabanggit ang tungkol sa maling payo ng mga taong dating nakakasama

Aljur Abrenica, nabanggit ang tungkol sa maling payo ng mga taong dating nakakasama

- Sa panayam kay Aljur Abrenica ng entertainment writer na si Aster Amoyo, isa-isang sinagot ni Aljur ang mga katanungan sa kanya

- Sa teaser na binahagi sa YouTube channel ng entertainment writer, kabilang sa mga nabanggit ni Aljur ay tungkol sa mga maling payo ng mga taong dating nakakasama

- Aniya, kahit may pinaglalaban siya, napagtanto niyang mali pala ang mga naging payo ng mga taong ito na aniya ay may sari-sariling interes

- Nakatakdang mapanood ang kabuuan ng panayam kay Aljur ngayong darating na Biyernes, alas 12 ng tanghali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita si Aljur Abrenica tungkol sa aniya'y mga taong dating nakakasama niya na may sariling interes at nagbigay ng maling payo sa kanya. Ito ay naibahagi sa teaser ng panayam sa kanya ni Aster Amoyo na nakatakdang ilabas ngayong darating na Biyernes.

Read also

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

Aljur Abrenica, nabanggit ang tungkol sa maling payo ng mga taong dating nakakasama
Aljur Abrenica, nabanggit ang tungkol sa maling payo ng mga taong dating nakakasama (@ajabrenica)
Source: Instagram

Makikita din sa teaser na tinanong din siya tungkol sa babaeng kasalukuyang naiuugnay sa kanya, si AJ Raval at maging sa kung nasaan umano sa puso niya si Kylie Padilla.

Nabanggit din ni Aljur ang sinabi ng anak niya na hindi umano niya mahal ang kanyang mama at ayon kay Aljur ay masakit iyon para sa kanya na iyon ang tumatak sa kanyang anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal. Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin, isang nakakaantig na birthday message ang binahagi ni Aljur sa kanyang social media page. Aniya, marami siyang natutunan kaugnay sa pagiging ama dahil sa kanyang panganay na anak. Kalakip nito ay nagpost din si Aljur ng picture nilang mag-ama pati mga video clips na nagpapakita ng kanilang masasayang bonding moments.

Kamakailan ay nag-upload din si Aljur ng pictures nilang mag-aama na kuha sa kanilang beach vacation kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Makikita sa mga litrato ang saya sa mukha ng mga anak nila habang naglalaro kasama ang ama. Kalakip ng kanyang mga pictures na binahagi ay ang caption na “Seas the day with these two."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel