Zeinab Harake, pinayuhan ni Willie Revillame kaugnay sa ama ng anak

Zeinab Harake, pinayuhan ni Willie Revillame kaugnay sa ama ng anak

- Pinayuhan ni Willie Revillame si Zeinab Harake kaugnay sa pagpapalaki ng anak niya

- Aniya, dapat ay mahalin ng anak niya ang tatay nito dahil tatay pa rin siya ng anak nila

- Nagpayo din si Willie kay Zeinab tungkol sa pagpapatawad dahil aniya kung ang Panginoon nga nagpapatawad

- Aniya, hindi lang si Zeinab ang dumadaan sa kanyang dinaranas at mayroon pang mas mahirap ang pinagdadaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinayuhan ni Willie Revillame si Zeinab Harake tungkol sa pagpapatawad. Aniya, dapat ang anak niya ay mahalin ang ama nito dahil kahit anong mangyari ay tatay pa rin ito ng kanyang anak.

Zeinab Harake, pinayuhan ni Willie Revillame kaugnay sa ama ng anak
Zeinab Harake, pinayuhan ni Willie Revillame kaugnay sa ama ng anak (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa kanyang pag-guest sa Wowowin, nabanggit ni Willie na gustong-gusto niya ang kanta na ginawa ni Skusta Clee para sa anak nila na pinamagatang "Lagi."

Nabanggit pa ni Willie na kung siya nga ay dalawang beses ikinasal at na-annul din ng dalawang beses ang kasal niya. Aniya, minsan ay kailangang maranasang masaktan para matuto.

Read also

Zeinab Harake, guest sa Wowowin; binalikan ang unang TV exposure

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel