Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International
- Idinetalye ni Wilbert Tolentino ang umano'y mga kalituhan at kaguluhang naganap sa Miss Planet International
- Ipinaliwanag niya ang mga nangyari dahilan para i-withdraw na lang niya si Herlene Budol sa naturang pageant
- Una nang naglabas ng pahayag ang ilang mga kandidata ng nasabing beauty pageant at ang ilan din ay minabuti nang hindi sumali
- Siniguro naman ni Wilbert ang ang Team Philippines na nagtungo roon ay nasa mabuting kalagayan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Idinetalye ni Wilbert Tolentino ang mga naging kaganapan sa Uganda kung saan gaganapin sana ang Miss Planet International
Nalaman ng KAMI na tila nagkaroon ng ilang kalituhan at aberya sa kauna-unahang pagkakataon na maging host ang nasabing bansa ng isang international beauty pageant.
Una palang ay naging problema ay ang kawalan umano ng Yellow Vaccine fever ng nasa kalahating kandidatang hindi nakapasok ng Africa
Kaya naman mapapansin na tila iilan lang ang mga nakakasama ni Herlene sa mga video update niya sa kauna-unahang beauty pageant na sasalihan niya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Lagpas kalahati ang indi naka pasok sa Africa dahil wala silang Yellow Vaccine fever at Ang Sponsors ng Organisasyon tulad ng SPEKE RESORT, KAMPALA na matitirahan ng delegate ay nag back out dahil sa issues ng Ebola Virus. Nag karon sila ng PLAN B at linagay nila sa ZARA GARDENS ang delegates kahapon. Subalit d pa naka settle ang nasasabing Hotel kaya need mag check out uli ang mga Candidata."
Nagkaproblema rin umano sa accommodations ng mga kandidata na lumalabas na sila muna ang gagastos mula sa sarili nilang mga bulsa bagay na idinaing na ng marami sa kawalan din ng budget.
"So, kanya kanyang diskarte muna sa pag kuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb At d naman natin masisi sari sari emosyon ang bawat candidata epekto sa indi maayos ang systema at hindi nakapag kain ng tamang oras mga candidata. May apat hanggang anim nag withdraw dahil mauubusan ang budget kung tumagal pa sila sa UGANDA."
Gayunpaman, siniguro naman ni Wilbert na nasa mabuting kalagayan ang lahat ng team Philippines na naroon lalong-lalo na si Herlene Budol na siyang kinatawan ng bansa para sa naturang pageant.
"Rest assured we are all safe buong TEAM PHILIPPINES. Hindi man maganda experience naranasan namin dto. but we are proud to say that We are Survivor in our own way. Tumuloy man o indi ang Pageant, in good faith tayo lumaban at pinaghandaan. We will keep you posted as soon as we have an additional information. Thank you!
Ilang oras nga matapos ang detalyeng ito, minabuti na rin ni Wilbert na i-withdraw si Herlene sa naturang pageant.
Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.
Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz. Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh