Jodi Sta. Maria, may prior commitment daw kaya hindi naka-attend sa event para kay Mr. M

Jodi Sta. Maria, may prior commitment daw kaya hindi naka-attend sa event para kay Mr. M

- Nilinaw ng source ni Ogie Diaz na walang katotohanan na hindi natuloy si Jodi Sta. Maria sa event para kay Mr. M ay dahil kay Claudine Barretto

- Ayon sa source ay kasama dapat si Jodi sa dinner na ginanap bago pa ang event para kay Mr. M

- Gayunpaman, noong panahong iyo ay nagka-COVID siya kaya hindi siya nakasama sa dinner

- Sa araw naman ng mismong event para kay Mr. M ay meron daw siyang prior commitment kaya hindi siya nakadalo

May prior commitment daw si Jodi Sta. Maria kaya hindi siya nakapunta sa event para kay Mr. M. Pinabulaanan ng isang source na nakausap ni Ogie Diaz ang tungkol sa haka-hakang hindi inimbitahan si Jodi dahil kay Claudine Barretto.

Jodi Sta. Maria, may prior commitment daw kaya hindi naka-attend sa event para kay Mr. M
Jodi Sta. Maria, may prior commitment daw kaya hindi naka-attend sa event para kay Mr. M
Source: Instagram

Kasama daw dapat si Jodi sa isang dinner kasama ang iba pang artista ngunit nagkataon namang nagka-COVID daw siya kaya hindi siya natuloy.

Read also

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Sa araw naman daw ng mismong event para kay Mr. M ay meron daw siyang prior commitment kaya hindi siya nakadalo.

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ni Claudine ang tungkol dito dahil ani Claudine ay may karapatan din si Jodi na dumalo sa event na para sa kanilang mentor. Aniya, wala siyang ganoong kakayahan para maimpluwensiyahan ang desisyong imbitahan si Jodi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay may anak sa dating karelasyon na si Pampi Lacson na pinangalanan nilang si Thirdy.

Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Jodi ang throwback picture kung kailan iba pa umano ang paraan ng pakikipag-bonding sa mga kaibigan. Ginamit niya ang hashtag na #batang90s kalakip ng kanyang caption tungkol sa pagpunta sa photo studio ng mga magkaibigan para magpakuha ng litrato. Magsusulat din sila ng kanilang dedication para sa mga kaibigan sa likod ng litrato.

Read also

Mayor Niña Jose, pinapalitan ang mic na ginagamit: "Sorry mabaho talaga yung mic"

Kabilang si Jodi sa nag-comment sa sweet na message ni Iwa Moto para sa partner niyang si Pampi Lacson. Naglagay ng tatlong heart emojis si Jodi sa naturang post ni Iwa kalakip ng pictures nila ni Pampi. Pabiro namang sinagot ni Iwa ang comment ni Jodi at sinabi nito na may ipapabili daw siya kay Pampi. Dahil sa pagiging magkaibigan nina Iwa at Jodi ay marami ang natutuwa sa kanila sa kabila ng kanilang mga nakaraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel