Snooky Serna, nanghinayang na hindi siya natuloy bilang si Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo'

Snooky Serna, nanghinayang na hindi siya natuloy bilang si Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo'

- Sa vlog ni Snooky Serna, ginawa niya ang content na "Never Have I Ever"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay kung mayroon siya tinanggihang project na pinagsisihan niya

- Naikwento ni Snooky na nakapasa na siya sa audition para sa role ni Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo'

- Gayunpaman, nagkaroon siya ng personal na problema kaya hindi siya nakapag-workshop kaya napalitan siya ni Jean Garcia

Aminado si Snooky Serna na pinanghinayangan niyang hindi siya tumuloy sa workshop matapos niyang makapasa sa audition sa role ni Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo.' Gayunpaman, aniya ay masaya siya para kay Jean Garcia na pumalit sa kanya.

Snooky Serna, binunyag na sa kanya dapat ang role ni Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo'
Snooky Serna, binunyag na sa kanya dapat ang role ni Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo' (@snookysernaofficial)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang video na "Never have I ever," isa sa tanong na sinagot niya ay tungkol sa project offer na hindi niya itinuloy at pinanghinayangan niya. Sa kabila ng naunsyaming malaking role sana para sa kanya, sinabi niyang masaya siya para kay Jean.

“Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon. And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Ms. Jean Garcia,”

Ang pagganap ni Jean bilang si Madame Claudia Buenaventura ay maituturing na isa sa pinaka-iconic na pagganap ni Jean. Matapos ang ilang taon ay tumatak sa madla ang pagiging mahusay niyang kontrabida sa naturang serye.

Si Snooky Serna o Maria Milagros "Snooky" Sumayao Serna ay TV actress na binansagan bilang “Eternal Star” ng local media. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Anak ni Waray, Anak ni Biday (1984); Blusang Itim (1986) at Rosa Mistica.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Snooky ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dati niyang asawa, ang aktor na si Ricardo Cepeda. Naibahagi niyang ang pinakadahilan ng paghihiwalay nila ay ang mental illness umano ng aktres. Dumagdag din sa kanilang naging problema ang problema nila sa pinansiyal.

Matatandaang naibahagi ni Snooky ang tungkol sa kanyang relasyon sa dating Bulacan Vice Governor na si Ramon Villarama. Hindi pa umano sila maikakasal dahil sa kanilang religion. Bilang isang miyembro ng Iglesia ni Cristo, kailangan umanong maakay niya ang kanyang karelasyon sa kanilang paniniwala at bukas naman umano si Villarama tungkol sa bagay na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate