National Costume ni Herlene Budol, nakarating na sa Uganda
- Ayon kay Wilbert Tolentino, nakarating na ang Plan B na National Costume na susuotin ni Herlene Nicole Budol
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Ito ay para sa kanyang pagsalang sa pageant na Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa Africa
- Matatandaang nauna na niyang naibahagi na nagkaaberya sa pagdala sa National Costume ni Herlene kaya kinailangan nilang magkaroon ng panibagong plano
- Buhos pa rin ang suportang natatanggap ni Herlene sa kanyang kauna-unahang international pageant
Ayon kay Wilbert Tolentino, nakarating na ang plan B na National Costume para kay Herlene Nicole Budol para sa kanyang pagsalang sa Miss Planet International. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Wilbert na nagkaaberya sa pagdala sa National Costume ni Herlene kaya kinailangan nilang magkaroon ng panibagong plano.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Masayang ibinalita ni Wilbert na tuloy na tuloy ang laban ni Herlene, matapos ngang nakarating na sa Uganda ang susuoting damit ni Herlene.
Sa kanyang naunang post ay humingi sila ng mga suhestiyon para sa plan B para sa costume ni Herlene. Buhos pa rin ang suportang natatanggap ni Herlene sa kanyang kauna-unahang international pageant.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh