Jake Ejercito, ibinida ang #AIYearbook pictures nila ni Ellie

Jake Ejercito, ibinida ang #AIYearbook pictures nila ni Ellie

- Kinaaliwan sina Jake Ejercito at ang anak niyang si Ellie Ejercito matapos ibahagi ni Jake ang kanilang #AIYearbook pictures nila ni Ellie

- Pinagtabi niya ang kanilang AI-genrated pictures na mag-ama kaya nagmukha silang magka-edad lang

- Marami ang natuwa sa mga pictures nila lalo at parang magkaibigan lang silang dalawa kung mag-usap

- Meron ding mga nakapansin na kamukha din daw ni Andi si Ellie sa mga pictures na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Jake Ejercito ang #AIYearbook pictures nila ng anak na si Ellie Ejercito. Pinagtabi niya ang AI generated pictures nila kaya nagmukha silang magka-edad lang.

Jake Ejercito, ibinida ang #AIYearbook pictures nila ni Ellie
Jake Ejercito, ibinida ang #AIYearbook pictures nila ni Ellie (@unoemilio)
Source: Instagram

May mga nakapansin din na para lang daw mini-me ni Andi si Ellie. Meron din namang pictures na kamukhang-kamukha daw ni Jake si Ellie.

Narito ang ilan sa mga komento:

Read also

Gary Estrada at Bernadette Allyson, pinakita ang kanilang 3-hectare farm

Wow wooow.. Pinagbiyak na bunga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamukha ng daddy nya pero pag naka smile mommy nya
Parang magkapatid lang! Pogi ang daddy kaya pretty din si Ellie and the mom ofcourse!

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Iwa Moto at Janna Dominguez, emosyonal na nagyakapan sa burol ni Yzabel Ablan

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel