K Brosas, pinasilip ang kanyang walk-in closet sa bagong bahay nya

K Brosas, pinasilip ang kanyang walk-in closet sa bagong bahay nya

- Pinakita ni K Brosas ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong bahay na kamakailan lang nila nilipatan

- Kagaya sa karamihang mga artista, makikita sa kanyang walk-in closet ang mga branded na bags, sapatos at maging ang ilang alahas niya

- Naibahagi din ni K na hindi siya mahilig mamili ng alahas at ilan sa mga ito ay bigay lamang sa kanya

- Aminado din si K na ilan sa kanyang nabiling brabded na bags ay nabayaran niya ng hulugan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni K Brosas, pinakita niya ang kanyang walk-in closet sa bago niyang bahay. Kagaya sa karamihang mga artista, makikita sa kanyang walk-in closet ang mga branded na bags, sapatos at maging ang ilang alahas niya.

K Brosas, pinasilip ang kanyang walk-in closet sa bagong bahay nya
K Brosas, pinasilip ang kanyang walk-in closet sa bagong bahay nya (@kbrosas)
Source: Instagram

Binahagi niyang hindi siya mahilig bumili ng alahas at ilan sa mga pagmamay-ari niya ay bigay lamang ng kanyang mga kaibigan. Sa katunayan ay nag-iisa lamang ang kanyang relo na aniya ay hindi niya nagagamit dahil hindi siya mahilig sa relo.

Read also

Misis sa UK, kumikita sa umano'y pagpapahiram ng kanyang asawa

Pinakita niya rin ang ilan sa kanyang mga sapatos. Karamihan umano sa kanyang mga high heels ay para na lamang pang-display dahil hindi niya na kayang suotin ang mga ito. Karamihan umano sa kanyang mga nasusuot sa kasalukuyan ay yung mga komportable sa paa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel