Robi Domingo at girlfriend niyang si Maiqui Pineda, engaged na

Robi Domingo at girlfriend niyang si Maiqui Pineda, engaged na

- Engaged na sina Robi Domingo at ang girlfriend niyang si Maiqui Pineda

- Ito ay ayon sa ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe na nagbahagi din ng video ng pag-propose ni Robi

- Naganap umano ang proposal ng TV host sa sikat na Shibuya crossing sa Tokyo, Japan

- Bumuhos ang pagbati para sa dalawa hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan ni Robi sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-propose si Robi Domingo sa girlfriend niyang si Maiqui Pineda sa sikat na Shibuya crossing sa Tokyo, Japan. Binahagi ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe ang video ng pag-propose ni Robi.

Robi Domingo at girlfriend niyang si Maiqui Pineda, engaged na
Robi Domingo at girlfriend niyang si Maiqui Pineda, engaged na (@iamrobidomingo)
Source: Instagram

Bumuhos ang pagbati para sa dalawa hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan ni Robi sa showbiz.

Matatandaang sa isang vlog ay nabanggit ni Robi kung paano sila nagkamabutihan ni Maiqui. Magkakilala na umano sila dahil batchmates sila sa Ateneo.

Read also

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, may bagong bar sa Siargao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil wala umano siyang ibang kakilala nang dumalo siya sa after party ng ABS-CBN’s Christmas Special, si Robi ang nakasama niya at kinalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob. Naibhagi pa nila na naging tulay si Piolo Pascual sa kanilang relasyon matapos nitong pilitin si Robi na dumalo sa after party kung saan sila nagkasama ni Maiqui.

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Read also

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel