Anabelle Rama, pinabulaanan ang espikulasyong nagparetoke siya
- Pinabulaanan ni Annabelle Rama ang mga espikulasyong nagparetoke siya matapos niyang magpost ng pictures at video matapos ang kanyang ika-70 na kaarawan
- Nilinaw niyang wala siyang pinapagawa sa katawan niya simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan
- Inamin niya din na takot umano siya sa operasyon at injection kaya malabong mangyari na magparetoke siya
- Gayunpaman, pinasalamatan niya ang dermatologist at may-ari ng Aivee clinic na si Aivee Aguilar Teo dahil sa aniya'y pinakamagandang facial na nasubukan niya na naging dahilan umano kung bakit siya nagmukhang #foreveryoung
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinabulaanan ni Annabelle Rama ang mga espikulasyong nagparetoke siya matapos niyang magpost ng pictures at video matapos ang kanyang ika-70 na kaarawan. Inamin niya din na takot umano siya sa operasyon at injection kaya malabong mangyari na magparetoke siya.
![Anabelle Rama, pinabulaanan ang espikulasyong nagparetoke siya Anabelle Rama, pinabulaanan ang espikulasyong nagparetoke siya](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/2500d60da1cd722c.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Ang sinabi niyang dahilan ng kanyang youtful glow ay ang aniya'y pinakamagandang facial na nasubukan niya na naging dahilan umano kung bakit siya nagmukhang #foreveryoung.
Nagpapasalamat ako kay @draivee and @theaiveeclinic dahil sa mga bagong machine nila at pinaka magandang facial na try ko kaya nag mukha akong . #foreveryoung
Pinasalamatan naman niya ang mga komento sa kanya dahil aniya ay nag-enjoy siyang basahin ang mga ito. Pinasalamatan niya rin ang pamilya niyang nagmamahal sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahy ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.
Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.
Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh