Ian Veneracion, kayang-kaya pa gumawa ng stunts sa edad na 47

Ian Veneracion, kayang-kaya pa gumawa ng stunts sa edad na 47

- Ayon kay Ian Veneracion, kayang-kaya niya pang gawin ang mga stunts sa mga ginagawa niyang palabas

- Sa kanyang edad na 47 ay wala pa umano siyang sakit na iniinda sa katawan kaya kayang-kaya niya at hindi pa nagpapa-double sa kanyang mga stunts

- Bukod dito, mayroon ding active lifestyle si Ian at makikita sa kanyang mga binabahagi sa social media ang hilig niya sa extreme sports

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nakatakda siyang mapanood sa One Good Day, isang action-drama mini series kung saan gaganap siyang isang gangster

Kayang-kaya pa umano ni Ian Veneracion na gawin ang mga stunts sa kanyang bagong series at hindi pa siya nagpapa-double. Sa kanyang edad na 47 ay wala pa umano siyang sakit na iniinda sa katawan. Ito ang kanyang naging pahayag sa panayam ng Pikapika Showbiz sa kanya.

Ian Veneracion, kayang-kaya pa gumawa ng stunts sa edad na 47
Ian Veneracion, kayang-kaya pa gumawa ng stunts sa edad na 47 (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Bukod dito, mayroon ding active lifestyle si Ian at makikita sa kanyang mga binabahagi sa social media ang hilig niya sa extreme sports.

“Sa basketball, ang kulit ko pa rin. I still play the same way when I was in my 20’s. So, ayon, okey naman. Hahaha!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakatakda siyang mapanood sa One Good Day, isang action-drama mini series kung saan gaganap siyang isang gangster.

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel