Cong TV, tinanong si James Reid kung pwede maging ninong ng anak

Cong TV, tinanong si James Reid kung pwede maging ninong ng anak

- Kinaaliwan si Cong TV sa kanyang bagong vlog kung saan nakasama niya si James Reid sa isang commercial shoot

- Hindi nito pinalampas ang pagkakataon na tanungin ang aktor kung pwede daw ba siyang maging ninong ng kanyang anak na si Kidlat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kinaaliwan si Cong dahil sa tanong nito na “Can you be the father of my baby?" na kinalaunan ay napagtanto niyang mali

- Hindi naman tumanggi si James matapos siyang tanungin muli ni Cong tungkol dito

Tinanong ni Cong TV si James Reid kung papayag daw ba itong maging ninong ng anak niya. Hindi naman daw siya kailangang dumalo sa binyag at pabiro niyang sinabi na para lang daw maipamalita niya sa kanila na ninong ng anak niya si James.

Cong TV, tinanong si James Reid kung pwede maging ninong ng anak
Cong TV, tinanong si James Reid kung pwede maging ninong ng anak (@viycortez)
Source: Instagram

Base sa video na binahagi ni Cong, naganap ito sa shoot ng isang commercial kung saan nagkasama sila. Makikitang nag-aabang ng tyempo si Cong para matanong si James.

Read also

Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Can you be the father of my baby? Ay, godfather. I’m sorry I’m nervous eh,” ani Cong kay James. “Maybe you want to be the father?”

Agad na natawa si James sa hirit na ito ni Cong at hindi kaagad nakasagot.

Kinalunana ay muli siyang tinanong ni Cong tungkol sa kanyang imbitasyon.

“By the way James, is that a yes — the godfather thing? You don’t have to attend the ceremony. So I can just, you know, maipamalita ko lang sa amin na ninong ka,”

Agad namang pumayag si James ngunit pabiro din nitong sinagot si Cong.

“Okay, why not? Just, I don’t want to be the father,”

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Read also

Alexa Ilacad at KD Estrada, binalikan ang kanilang PBB moments

Matapos mag-trending ang video ng panyam sa kanya, kinabiliban lalo ang kanilang relasyon lalo na ang pagiging mabuting partner ni Cong kay Viy. Binahagi ni Viy sa kanyang YouTube video ang reaksiyon ni Cong sa naturang panayam.

Sa naunang vlog niya, hindi maitago ni Cong ang kanyang excitement para sa kanilang Vietnam trip. Tumungo sa Vietnam ang kanyang mga kaibigan at kasamahan para sa Southeast Asian Games esports kung saan kinatawan ng grupong Blacklist International ang Pilipinas. Nang nakapasok na sila sa airport, biglang bumalik si Cong dahil mabigat umano ang pakiramdam niya. Hindi naman maitago ni Viy Cortez ang kanyang tuwa nang makitang hindi na tumuloy ang kanyang boyfriend sa biyahe nito papuntang Vietnam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate