Ogie D, tinanggihan ang umano'y bayad ni Wilbert sa kanilang interview; "I-donate mo nalang"

Ogie D, tinanggihan ang umano'y bayad ni Wilbert sa kanilang interview; "I-donate mo nalang"

- Naikwento ni Ogie Diaz na maging siya ay inalok ng bayad ni Wilbert Tolentino

- Ito ay matapos na ma-interview ni Ogie D si Wilbert at kanyang nai-post sa kanyang YouTube Channel

- Sa halip, pinag-donate na lamang ni Ogie si Wilbert sa kanyang foundation

- At nang naantig pa raw si Wilbert sa mga lagay ng cancer patients, naagpaabot muli ito ng donasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz na maging siya ay inalok ng bayad ni Wilbert Tolentino nang minsan na nagkaroon sila ng interview.

Ogie D, tinanggihan ang umano'y bayad ni Wilbert sa kanilang interview; "I-donate mo nalang"
Ogie Diaz kasama si Wilbert Tolentino (Ogie Diaz)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na tinaggihan umano ni Ogie Diaz ang bayad ni Wilbert ngunit sinabi niyang magbigay na lamang ito ng donasyon sa kanyang foundation para sa mga cancer patients.

"Ako, ako mismo nung inofferan ako, sabi ko, wag ako, wag mo akong bayaran, mas maganda na i-donate mo nalang 'yan sa Foundation.

Read also

Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert at Zeinab; "Diniretso nalang sana niya si Mamshie"

At nang maantig puso ni Wilbert, muli pa raw itong nagdagdag ng kanyang donasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon pa kay Ogie, maaring nalaman ni Wilbert ang konseptong ito dahil na rin sa ginagawa ng ibang vlogger na pawang ang pagiging content creator o influencer ang kanilang ikinabubuhay.

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Tulad na lamang kamakailan kung saan binigyang komento niya ang naging production number ni Toni Gonzaga sa isang episode nito sa ALLTV dahil sa umano'y audio nito.

Samantala, nito lamang Oktubre 23 nang gumulantang sa publiko ang video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na 'Ang rebelasyon' na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Read also

Madam Inutz, naglabas ng screenshot ng usapan nila ni Wilbert Tolentino

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert. Lalo na ang kalahating milyong piso na bigay umano ni Wilbert para sa kanyang YouTube channel intro.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel