Madam Inutz, naglabas ng screenshot ng usapan nila ni Wilbert Tolentino

Madam Inutz, naglabas ng screenshot ng usapan nila ni Wilbert Tolentino

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang ilan sa kanilang mga palitan ng messages ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Aniya, pinagbigyan lang niya ang hiling ng ilang mga nagtatanong kung sino nga ba ang kanyang manager

- Ito ay dahil sa naging kontrobersyal na pasabog ni Wilbert kung saan naglabas ito ng video na may pamagat na 'Ang Rebelasyon'

- Maging ang pangalan ni Madam Inutz ay nadawit sa naturang video na ikinagulat ng marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Madam Inutz ang ilang mga conversation nila ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Madam Inutz, naglabas ng screenshot ng usapan nila ni Wilbert Tolentino
Madam Inutz Kasama ang manager na si Wilbert Tolentino (Madam Inutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may mga nagtatanong umano kay Madam Inutz kung sino ang kanyang manager kaya naman pinagbigyan niya lamang daw ang mga ito.

"Screenshot ba hanap ng iba? Eto ibibigay ko na. Eto lang naman boss Wilbert Tolentino ko," bungad ni Inutz sa mga screenshot ng usapan ng kanyang sir Wil tungkol umano sa kalusugan ni Madam Inutz.

Read also

Ogie D, tinanggihan ang umano'y bayad ni Wilbert sa kanilang interview; "I-donate mo nalang"

Makikita rin sa mensahe ang pasilip sa ipinagagawang tahanan ni Madam Inutz. Ginawa kasi ito ni Wilbert na inspirasyon upang bigyang pansin ng kanyang alaga ang kalusugan nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Laging nagpapaalala na alagaan ang kalusugan namin. Concern sa health status mo," dagdag pa ni Inutz.

Hindi man natin ma-please ang iba. Nandito kaming tunay na nakakakilala ng kabutihan ng puso mo.

"Grateful and blesses kami na merong boss Wilbert Tolentino na tunay na kaibigan, kapatid at tinuring akong pamilya"

Tila napaisip ang ilan kung sino nga ba talaga si Wilbert Tolentino matapos ang naging pasabog nitong video na may pamagat na 'Ang rebelasyon'. Maging ang pangalan ni Madam Inutz ay nabanggit sa kontrobersyal na pahayag na ito ni Wilbert na patungkol umano kay Zeinab Harake.

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Read also

MG, gustong paalisin si Paye Galang: "Patalsikin si Paye sa Toro fam house"

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert. Lalo na ang kalahating milyong piso na bigay umano ni Wilbert para sa kanyang YouTube channel intro.

Samantala, isa sa mga pangalang nabanggit ni Wilbert sa kanyang kontrobersyal na video ay ang alaga niyang si Madam Inutz. Aniya, hindi raw nakikipag-collab si Zeinab kay Madam Inutz dahil 'threatened' daw ito sa komedyante gayundin sa isa pa niyang alaga na si Herlene Budol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel