Sunshine Cruz, nawindang sa balitang buntis umano siya kay Cesar Montano

Sunshine Cruz, nawindang sa balitang buntis umano siya kay Cesar Montano

- Nilinaw ni Sunshine Cruz na fake news ang balitang nagdadalang-tao siya at si Cesar Montano ang umano'y ama

- Sa kanyang post ay nilagay niya ang link ng video ng naturang balita na pinamagatang "Cesar Montano, nagsalita at umamin tungkol kay Sunshine Cruz!"

- Ani Sunshine, nagtaka din siya kung bakit siya nakatanggap ng pagbati at may mga nag-congratulate umano sa kanya

- Minabuti niyang bigyang linaw ang balita bilang respeto na rin umano sa bagong pamilya at partner ni Cesar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Sunshine Cruz walang katotohanan ang balitang buntis siya at nakatakdang ikasal kay Cesar Montano. Minabuti niyang bigyang linaw ang tungkol dito bilang respeto na rin sa bagong pamilya at partner ni Cesar.

Sunshine Cruz, nawindang sa balitang buntis umano siya kay Cesar Montano
Sunshine Cruz, nawindang sa balitang buntis umano siya kay Cesar Montano (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Kwento pa ni Sunshine, ipinagtataka niya ang mga mensaheng natanggap kung saan may bumati at nag-congratulate sa kanya. May mga nagpadala sa kanya ng video tungkol sa fake news na ito kaya sa kanyang post ay mariin niyang pinabulaanan ito.

I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.
Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel