Hash Alawi, binahagi ang nakakakilig na date nila ng non-showbiz girlfriend

Hash Alawi, binahagi ang nakakakilig na date nila ng non-showbiz girlfriend

- Pinakita na ni Hash Alawi sa kanyang vlog ang naging date nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Alexis

- Sa kanilang pagdiriwang ng kalahating taon bilang magkasintahan, kinilig si Hash sa natanggap na sorpresa mula sa girlfriend

- Aniya, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng bulaklak ngunit hindi niya inasahan na kikiligin siya

- Marami ang kinilig sa sweetness ng magkasintahan habang pinapakita nila ang kanilang mga pinuntahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Hash Alawi na kilig na kilig siya nang matanggap ang sopresa mula sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Alexis. Sa kanilang ika-anim na buwan bilang magkasintahan ay pinadalhan siya ng girlfriend niya ng bulaklak.

Hash Alawi, binahagi ang nakakakilig na date nila ng non-showbiz girlfriend
Hash Alawi, binahagi ang nakakakilig na date nila ng non-showbiz girlfriend (@hash.alawi)
Source: Instagram

Aniya, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng bulaklak ngunit hindi niya inasahan na kikiligin siya. Alam niya daw na pagtatawanan siya ng mga kapatid kung makita nila ang reaksiyon niya kaya agad siyang nagtago sa mga ito.

Read also

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

Marami ang kinilig sa sweetness ng magkasintahan habang pinapakita nila ang kanilang mga pinuntahan:

Ang cute nila kinikilig aq.. Ang bait ni alexis at ang ganda pa bagay tlga halatang kasundo sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kainiss sobrang kinikilig ako sainyong dalawa walang halong kemikal truelove talaga yan
Abot hanggang sakin yung kilig. Stay in love po. By the way, you made my day. Ms. Alexis is so beautiful, i love her na.

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas ni Hash palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Sa kanyang vlog, sinubukan ni Hashim na maging empleyado sa isang food truck. Pinag-aralan niya kung paano maghanda ng mga pagkain na binibenta sa naturang food truck. Kinalaunan ay sinabi ni Hash na gagawa siya ng para sa isang taong espesyal sa kanya na kanyang tinawag na "special friend." Hinatid niya mismo ito sa kanyang special friend ngunit hindi pa nito pinapakita sa publiko kung sino itong special friend na kanyang tinutukoy.

Read also

Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla

Samantala, marami ang natuwa sa magkakapatid na Alawi sa isang video na binahagi ni Hash sa kanyang YouTube channel. Sinubukan nito kung paano maging tindero ng streetfood kagaya ng kikiam fishball, suidball at marami pang iba. Matapos malamang umaabot ng 3,000 ang kita ng mga tindero pag naubos ang kanilang paninda, binigyan sila ni Hash ng 5,000. Siya din ang nagluto ng mga paninda ng mga ito na kanyang pinamigay sa mga taong nais bumili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel