Wilbert Tolentino, may kilala umanong taong magaling magpavictim

Wilbert Tolentino, may kilala umanong taong magaling magpavictim

- Nag-post si Silbert Tolentino kaugnay sa aniya'y sobrang galing magpaikot ng tao sa social media at magaling magpavictim

- Nabanggit din nito na kaya umanong gamitin ang trahedya para sa kasikatan at views

- Nagbabait-baitan din umano ito sa harap ng camera kahit iba ang ugali sa totoong buhay

- Walang binanggit na pangalan ang talent manager na ngayon ay content creator na rin ngunit umani ng reaksiyon ang kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Wilbert Tolentino, may mga tao talagang magaling magpaikot ng tao sa social media. Sa kanyang Facebook post ay naglabas ng saloobin ang talent manager kaugnay sa taong aniya'y kayang gamitin ang trahedya para sa kasikatan at views.

Wilbert Tolentino, may kilala umanong tao na magaling mag paikot ng tao sa socmed
Wilbert Tolentino, may kilala umanong tao na magaling mag paikot ng tao sa socmed (@sirwil75)
Source: Instagram

Walang binanggit na pangalan si Sir Wil ngunit aniya, ang taong kanyang tinutukoy ay pavictim at nagbabait-baitan sa harap ng camera. Sa totoong buhay umano ay user at hindi maganda ang ugali.

Read also

Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos

Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media at magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity. Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema...bait baitan sa harap ng camera kht attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tangahalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Read also

Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate