Madam Kilay, binahagi ang 4D ultrasound ng anak nila ng boyfriend

Madam Kilay, binahagi ang 4D ultrasound ng anak nila ng boyfriend

- Binahagi ni Madam Kilay ang video ng kanilang ultrasound checkup kasama ang kanyang partner

- Nasilayan na nila ang bahagi ng mukha ng kanilang baby na tinawag niyang si Baby Lakas

- Ani Madam Kilay, base sa kanyang nakita sa 4D ultrasound ay mukhang nakuha umano ng anak niya ang kanyang ilong

- Umaasa umano siyang magbabago pa ang mukha ng baby nila dahil gusto niya raw na mamana nito ang ilong ng partner niyang si Michael

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nasilayan nina Madam Kilay at ng kanyang partner na si Michael ang bahagi ng mukha ng kanilang Baby Lakas. Sa bagong video ni Madam Kilay ay binahagi niya ang 4D ultrasound ng baby nila.

Madam Kilay, binahagi ang 4D ultrasound ng anak nila ng boyfriend
Madam Kilay, binahagi ang 4D ultrasound ng anak nila ng boyfriend (Screenshot from Madam Kilay/YouTube)
Source: Instagram

Nakatakda pa silang bumalik para umano mas makita nila ang mukha ng kanilang anak. Gayunpaman ani Madam Kilay, base sa kanyang nakita sa 4D ultrasound ay mukhang nakuha umano ng anak niya ang kanyang ilong.

Read also

Andrew Schimmer, inaming na-miss nang makausap ang misis

Umaasa umano siyang magbabago pa ang mukha ng baby nila dahil gusto niya raw na mamana nito ang ilong ng partner niyang si Michael.

Para naman kay Michael ay walang problema na mas maging kamukha ni Madam Kilay ang kanilang anak dahil maganda naman daw si Madam Kilay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate