ABS-CBN Film Productions, iginiit na inaksyunan nila agad ang reklamo ni Rhys Miguel

ABS-CBN Film Productions, iginiit na inaksyunan nila agad ang reklamo ni Rhys Miguel

- Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN Film Productions Inc. matapos mag-viral ang video na nilabas ni Rhys Miguel Eugenio

- Kaugnay ito sa umano'y pangmomolestiya ng kapwa niya 'He's Into Her' artist na si Patrick Quiroz

- Pinabulaanan ng AFPI ang naging pahayag ni Rhys na hindi nila inaksyunan ang naging reklamo niya kaugnay sa insidente

- Agad umanong inimbestigahan ng management ang tungkol sa nangyari nang magreklamo si Rhys

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa nilabas na opisyal na statement ng ABS-CBN Film Productions Inc., pinabulaanan ng AFPI ang naging pahayag ni Rhys Miguel Eugenio na hindi nila inaksyunan ang naging reklamo niya kaugnay sa umano'y pangmomolestiya ng kapwa niya artista. Ito ay matapos mag-viral ang video ni Rhys kung saan kinuwento niya ang umano'y karanasan.

ABS-CBN Film Productions, iginiit na inaksyunan nila agad ang reklamo ni Rhys Miguel
ABS-CBN Film Productions, iginiit na inaksyunan nila agad ang reklamo ni Rhys Miguel (@rhys_miguel)
Source: Instagram
“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions Inc. immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020"

Read also

Ogie Diaz, na-curious sa 'trending' na acting ni Barbie Forteza; "panonoorin ko 'yan"

Ayon pa sa AFPI, pinoprotektahan nila ang kanilang mga artista at talent.

“AFPI takes these matters seriously. The safety, dignity, and privacy of our people are our utmost priority."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rhys Miguel Eugenio ay isa sa mga teen Star Dreamer sa Pinoy Big Brother 8. Nanatili siya sa Camp Star Hunt matapos siyang hindi mapili bilang official housemate. Kinalaunan ay nakalipat din siya sa PBB house at naging official PBB 8 housemate.

Matatandaang sa kanyang paglipat sa PBB house, hindi maitago ng mga babaeng teen housemates na kinabilangan nina Jelay Pilones, Kaori Oinuma at Criza Ta-a na kiligin nang makita si Rhys. Inamin ng mga ito na napopogian sila kay Rhys. Kinailangan naman magpanggap ni Criza na hindi pa niya nakikilala si Rhyz kahit pa nagkasama sila sa Camp Star Hunt dahil na rin rule ni Big Brother.

Read also

Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro

Matatandaang nang ma-evict ang Pinoy Big Brother Otso housemate na si Rhys marami sa kanyang fans ang nalungkot. Ito raw ay resulta sa pagkatalo ni Rhys laban sa dalawang housemates na sina Karina Bautista at Seth Fedelin sa "do-or-die challenge". Tinalo daw ng dalawa si Rhys sa naturang kompetisyon, na inere noong January 2, 2019.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel