Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro

Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro

- Para sa lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzalez, mas maiging magkaaregluhan na lang sina Deniece at Vhong Navarro

- Nilinaw niyang opinyon lamang niya ito dahil kung titimbangin umano ay parehas silang may kaso sa isa't-isa at may mga career din sila parehas

- Ayon naman sa abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang kliyente ang tungkol sa pakikipagareglo

- Aniya, ang kanilang napag-usapan umano ay mapanagot sa batas si Vhong sa ginawa umano nito sa kanyang kliyente

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Personal na opinyon umano ni Atty. Axel Gonzalez, lolo ni Deniece Cornejo na magkaaregluhan na lamang sina Deniece at Vhong Navarro. Sa video na binahagi ng ABS-CBN reporter na si Nico Baua, sinabi ni Atty. Gonzalez na sa tingin niya ay dapat magkaayos na lang dahil parehas silang may kaso sa isa't-isa at may mga career din sila parehas.

Read also

CEO na si Miss Glenda, pormal na nagsampa ng reklamo laban sa aniya'y naninira sa kanya

Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro
Lolo ni Deniece Cornejo, sinabing mas gusto niyang magkaaregluhan na lang ang apo at si Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Ayon naman sa abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, ang usapan nila ng kliyente ay mabigyan ng hustisya ang aniya'y ginawang panghahalay ni Vhong kay Deniece. Hindi pa umano nila napag-uusapan ng kanyang kliyente ang tungkol sa pakikipagareglo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel