Angeline, nagulat sa $100 na bigay ni Regine sa kanyang 'Deal or reveal' challenge

Angeline, nagulat sa $100 na bigay ni Regine sa kanyang 'Deal or reveal' challenge

- Nagulat si Angeline Quinto nang biglang bigyan siya ni Regine Velasquez ng $100 sa kanyang 'Deal or Reveal' challenge

- Ito ay bahagi ng vlog ni Angeline kung saan pinupuntahan niya ang mga kasama niya sa ASAP para gawin ang challenge

- Kung hindi kakasa ang mga ito, kinakailangan nilang magbigay ng Php50 kay Angeline

- Kaya naman sa halip na Php50 lang iabot ni Regine kay Angeline, $100 ang inilabas nito at para raw ito sa anak ni Angeline na si Sylvio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi inaasahan ni Angeline Quinto na $100 ang ibibigay ni Regine Velasquez sa kanyang 'Deal or Reveal' challenge.

Angeline, nagulat sa $100 na bigay ni Regine sa kanyang 'Deal or reveal' challenge
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng bagong vlog ni Angeline kung saan hinahamon niya ang mga kasama sa ASAP kung maipapakita ng mga ito ang mabubunot sa challenge. At kung hindi, kinakailangang magbigay ng mga ito ng Php50.

Read also

Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

Handa naman sanang ipakita ni Regine ang nabunot niyang "last Instagram post you liked." Subalit nakantsawan siya ni Angeline na magbigay na lamang ng Php50.

Ngunit sa halip na Php50 lamang ang ilabas ni Regine, tumataginting na $100 ang kanyang iniabot kay Angeline.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Grabe siya 100 dollars! Naiiyak ako Miss Reg," ang nasabi ni Ange

"Oo, ibigay mo sa anak mo ah," sagot naman ni Regine.

Narito ang kabuuan ng makulit nilang usapan mula sa YouTube channel na Love Angeline Quinto:

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak

Sa ngayon, mahigit isang milyon na ang subscribers ng kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto. Mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanyang masayang pagdadalang-tao, madalas na siyang mag-share ng kanyang pregnancy journey sa kanyang channel.

Isa rin sa ikinagulat ng lahat lalo na ng kanyang mga ka-twinkle ay ang kanyang jowa reveal kung saan isinapubliko na niya kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon at ang daddy ng kanyang Baby Sylvio na si Nonrev Daquina.

Marami ang natuwa para kay Angeline lalo na at litaw na litaw ang kasiyahan ng dalawa sa paparating na biyaya sa kanilang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel