Doug Kramer, na-prank si Chesca sa kanilang 19th anniversary

Doug Kramer, na-prank si Chesca sa kanilang 19th anniversary

- Naibahagi ni Doug Kramer ang kanyang pagpa-prank sa asawang si Chesca Garcia sa kanilang pagdiriwang ng ika-19 anniversary nila bilang magkarelasyon

- Isang ring box umano ang kanyang binigay ngunit wala itong laman na singsing

- Gayunpaman, sa ibang mga litratong kanyang binahagi ay makikitang suot na ni Chesca ang singsing na bigay ni Doug

- Pinasalamatan din ni Doug ang anak nilang si Scarlett para sa pagkuha umano nito ng pictures nilang mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Doug Kramer, binahagi niya ang kanyang ginawang prank sa misis na si Chesca Garcia sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-19 taon bilang magkarelasyon. Isang ring box umano ang kanyang binigay ngunit wala itong laman na singsing.

Doug Kramer, na-prank si Chesca sa kanilang 19th anniversary
Doug Kramer, na-prank si Chesca sa kanilang 19th anniversary (@dougkramer)
Source: Instagram

Gayunpaman, sa mga kalakip na pictures nila ay makikitang suot na ni Chesca ang singsing na bigay ng kanyang mister.

Read also

Team Kramer, pinakita ang transformation sa kanilang outdoor area

Really enjoyed pranking you at 12 midnight with the empty ring box when I gave your gift. Thanks Scarlett for capturing the photos!

Pinagdiriwang din nila ang kanilang 14th Wedding Anniversary.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Read also

Aubrey Miles, nalungkot nang matanggal ang Rocket’s Autism Awareness page nila

Kamakailan ay binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel