Badjao Girl, sinurpresa ni Karen Davila ng Php50,000 worth of baby products

Badjao Girl, sinurpresa ni Karen Davila ng Php50,000 worth of baby products

- Halos hindi makapaniwala si Rita "Badjao Girl" Gaviola sa maagang pamaskong natanggap niya mula kay Karen Davila

- Bukod sa naipa-checkup siya nito, nabiyayaan din ng batikang news anchor ang anak ni Rita

- Tumataginting na Php50,000 na halaga ng baby products ang naihandog ni Karen sa baby ni Rita

- Halos hindi pa nga nila ito naubos sa isang pamilihan kaya labis silang nagpapasalamat kay Karen Davila sa surpresa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang nasurpresa si Rita "Badjao Girl" Gaviola sa maagang pamasko sa kanya ni Karen Davila.

Badjao Girl, Php50,000 worth of baby products ang natanggap mula kay Karen Davila
Rita Gaviola and Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na Php50,000 worth of baby products ang handog ni Karen sa baby ni Rita.

Kasama mismo ang baby at partner ni Rita, namili sila nina Karen sa SM Makati ng mga kakailanganin ng anak ni Badjao Girl.

Sa laki ng surpresang halaga, maraming napamiling magagandang baby products si Rita para sa kanyang baby girl.

Read also

Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katunayan, hindi pa nila naubos sa isang pamilihan ang nasabing halaga lalo na at pwede pa silang bumalik muli upang mamili.

Labis ang pasasalamat ni Badjao Girl kay Karen Davila na sinamahan din mismo siya na magpa-checkup kaugnay na iniinda niyang bukol sa kanyang dibdib.

Dahil dito, nakumpirma nilang walang anumang bukol si Rita at lalong malayo sa posibilidad na kanser base sa mga isinagawang test sa kanya.

Ganoon na lamang din ang saya ni Karen para kay Rita dahil mas matutuukan na lalo nito ang kanyang baby girl.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Samantala, si Rita "Badjao Girl" Gaviola ay unang nakilala nang mag-viral ang larawan niyang kuha habang siya ay nasa kalsada. Kalaunan, naimbitahan siya sa ilang photoshoot at maging sa Pinoy Big Brother kung saan naging teen housemate siya. Bago magbuntis, naging bahagi rin siya ng isang segment ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel