Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila

Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila

- Naipa-checkup na ni Karen Davila si Rita "Badjao Girl" Gaviola sa umano'y iniinda nitong bukol sa dibdib

- Matatandaang sa unang panayam ni Karen kay Rita, nabanggit nito ang kanyang karamdaman

- Matapos ang ilang test na ginawa kay Rita sa mga kilalang ospital sa bansa, nakumpirmang wala itong bukol

- Ligtas at malayo na rin ito sa posibilidad na mayroon siyang kanser tulad ng inaasahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis-labis ang pasasalamat ni Rita "Badjao Girl" Gaviola kay Karen Davila na naging daan upang siya ay makapagpa-checkup.

Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila
Sina Rita Gaviola at Karen Davila gayundin ang doktor na tumingin kay Badjao Girl. (Screengrab from Karen Davila YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinamahan na mismo ni Karen si Rita kay Dr. Jenny Jose, eksperto sa Obstetrics at gynecology upang matingnan ang iniindang bukol ni Rita na kanyang nakakapa umano sa kanyang dibdib.

Matatandaang sa unang panayam ni Karen kay Rita, isa ito sa naibahagi ni Badjao Girl. Hindi raw niya ito napatingnan sa doktor dala ng hirap sa buhay.

Read also

Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak

Kaya naman, hindi nagdalawang-isip si Karen na tulungang makumpirma ang kalagayan ni Rita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa checkup pa lamang na isinagawa ni Dr. Jose kay Rita, wala umano itong nakapa na bukol. Ngunit upang masigurado. Ipinasailalim niya ito sa ultrasound.

Makalipas nga ang apat na araw, nakuha nila ang resulta at mas lalo nilang nakumpirmang walang anumang bukol si Rita at mas lalong ligtas ito sa kinatatakutang kanser.

"Sobrang happy. Ngayon, hindi ko pa alam [paano] i-explain 'yung nararamdaman kong saya at kaba. Masaya ako kasi nalaman ko 'yung result. Hindi na ako nagwo-worry. Para mas matutukan ko pa 'yung baby ko," emosyonal na nasabi ni Rita.

"Sobrang saya ng puso ko at dahil po 'yun sa inyo Ma'am Karen kaya nakapagpa-checkup ako. Kaya sobrang-sobrang thank you po ma'am lalo na po sa mga naitulong niyo sa'min, hindi man nakikita ng ibang tao pero kami po, alam namin po," ang pasasalamat naman ni Rita kay Karen.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel