Ice Seguerra, sa 17 taong niyang depresyon; "Feeling ko wala na akong purpose"
- Buong tapang na ibinahagi ni Ice Seguerra ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon
- Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag
- Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay
- Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Matapang na ibinahagi ni Ice Seguerra ang kanyang pinagdaraanan sa pagkakaroon ng depresyon sa loob ng 17 taon.
Nalaman ng KAMI na matagal na niya itong pinaglalabanan, noon pa mang panahon na hindi pa niya alam kung ano ang termino para sa kanyang nararamdaman.
Aniya, mas lalo itong tumindi nang mag-lockdown dala ng pandemya hanggang sa manumbalik nang paunti-unti sa normal ang lahat at hindi pa rin siya nakababalik sa pagtatrabaho.
"Depression is not about being sad... Depression is you not having the energy to basically do things," paliwanag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naikwento niya ang madalas na tumakbo sa kanyang isip na siyang nagiging dahilan para muling makaramdam nang hindi maganda sa sarili.
"Your anxiety is telling you na hoy, ano nang nangyayari bakit wala ka nang ginagawa? Huy, tumayo ka diyan! Huy, ano ba gumawa ka ng kanta mag-recording ka. Kita mo 'yung ibang artist ang daming ginagawa... Imagin that in your head, fighting every single night and day. So talagang I'm so tired," pahayag ni Ice.
Inamin niyang minsan na rin niyang binalak na kitilin ang sariling bihay. Subalit malaki ang pasasalamat niya sa kanyang kaibigan na nakausap nang oras na iyon at ang misis na inunawa ang sitwasyon.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa panayam sa kanya ni Karen Davila:
Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.
Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.
Ilan sa mga sikat na artista na naging sumali rin sa nasabing patimpalak na ito ay sina Cammille Prats, Julie Anne San Jose at maging si Pauleen Luna.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh