Billy Crawford, muling sumikat sa France ayon kay Hayden Kho

Billy Crawford, muling sumikat sa France ayon kay Hayden Kho

- Naibahagi ni Hayden Kho ang kanilang pagbisita kina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Paris, France

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay upang suportahan si Billy sa kanyang performance sa television dance contest na Danse avec les stars

- Aniya, muling sumikat si Billy sa France matapos maging bahagi ng naturang dance contest

- Kahit umano sa pampublikong lugar ay marami ang humihingi ng autograph ni Billy dahil sa kasikatan nito ngayon sa France

Binahagi ni Hayden Kho kung gaano pinagkakaguluhan si Billy Crawford sa France matapos nitong muling sumikat nang sumali siya sa television dance contest na Danse avec les stars. Kahit umano sa pampublikong lugar ay marami ang humihingi ng autograph ni Billy dahil sa kasikatan nito ngayon sa France.

Billy Crawford, muling sumikat sa France ayon kay Hayden Kho
Billy Crawford, muling sumikat sa France ayon kay Hayden Kho (@billycrawford)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Mommy Pinty, nagbahagi ng mensahe para kay Toni Gonzaga: "So proud of you ate!"

Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Hayden ang kanilang pagpunta ni Dra, Vicki Belo upang manood ng Danse avec les stars.

Aniya, proud siya kay Billy sa natatamo nitong tagumpay matapos niyang mapabilang sa mga celebrities na sumali sa naturang dance contest.

Vey proud of this guy @billycrawford . He's become such a sensation (once again!) here in France. People literally stop him on the streets for autographs and photos.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted"

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel