Vilma Santos, nataranta sa tanong ni Dimples Romana sa kanya

Vilma Santos, nataranta sa tanong ni Dimples Romana sa kanya

- Sa vlog ni Vilma Santos, nakasama niya ang malapit na kaibigang si Dimples Romana

- Habang nag-uusap at nagtatanungan ay nakaupo sila sa gilid ng swimming pool kasama ang iconic na pulang maleta ni Daniela Mondragon na ginampanan ni Dimples

- Matapos siyang tanungin ni Ate Vi, nagtanong din si Dimples kung may naka-kissing scene na daw ba siyang may bad breath na agad namang sinagot ni Ate Vi ng "no comment"

- Kasabay nito ay inayos niya ang kanyang buhok dahil sa pagkakataranta na siyang naging dahilan ng pagkakalaglag ng kanyang gamit na mic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Vilma Santos na nataranta siya sa tanong ni Dimples Romana kung may naka-kissing scene na daw ba siyang mayroong bad breath. Dahil sa pagkakataranta ay nalaglag sa pool ang kanyang gamit na mic.

Read also

Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga

Vilma Santos, nataranta sa tanong ni Dimples Romana sa kanya
Vilma Santos, nataranta sa tanong ni Dimples Romana sa kanya (Screenshot from Vilma Santos - Recto YT Channel)
Source: Instagram

Ani Ate Vi, bukod sa pagkakataranta ay naapektuhan siya sa ingay umano ng manok. Samantala, hindi na sinagot ni Ate Vi ang tanong na ito ni Dimples at no comment na lang daw siya.

Kinalaunan ay naayos naman ang nahulog niyang mic sa tubig at muli niyang nagamit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya aynanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Sa kanyang vlog, nakasama ni Vilma ang kanyang dalawang anak. Itinuturing daw niya na kanyang dalawang pinakamahahalagang trophy ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto. Sumalang sa "Jojowain o totropahin” challenge ang dalawa. Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakaiba sa pag-uugali sa dalawang anak ni Ate Vi. Kung si Luis ay palabiro at maloko, si Ryan naman umano ay mukhang mahiyain at reserved.

Hindi naman maipagkaila ni Ate Vi na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel