Regine Velasquez, kinaaliwan sa kanyang pagbirit ng kantang "Gusto ko nang Bumitaw"

Regine Velasquez, kinaaliwan sa kanyang pagbirit ng kantang "Gusto ko nang Bumitaw"

- Binahagi ni Regine Velasquez ang isang nakakaaliw na video kung saan makikitang kumakanta siya ng awitin ni Morisette Amon na "Gusto ko nang Bumitaw"

- Kasama niyang nakaupos sa sofa ang kanyang kapatid na si Cacai-Velasquez Mitra

- Makikitang sinigawan ni Cacai si Regine sa mukha nang siya na dapat ang kakanta

- Tawa naman nang tawa si Regine sa ginawa ng kanyang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Regine Velasquez kung saan todo-birit siya ng awitin ni Morisette Amon na "Gusto ko nang Bumitaw." Kasama niya sa naturang video ang kanyang kapatid na si Cacai-Velasquez Mitra.

Regine Velasquez, kinaaliwan sa kanyang pagbirit ng kantang "Gusto ko nang Bumitaw"
Regine Velasquez, kinaaliwan sa kanyang pagbirit ng kantang "Gusto ko nang Bumitaw" (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Makikita sa naturang video na matapos ang pagkanta ni Regine ay tinuro niya din ang kapatid para kantahin ang sunod na linya ng kanta. Makikitang sinigawan ni Cacai si Regine sa mukha nang siya na dapat ang kakanta.

Read also

Jonalyn Galleno, hiling na matanggap at irespeto ng mga tao ang resulta ng imbestigasyon

Matapos ang pag-viral ng duet nila ni Morisette kamakailan sa ASAP, marami ang gumamit ng kanilang duet sa paggawa ng nakakaaliw na mga TikTok videos. Kabilang sina Rochelle Pangilinan at Jodi Sta. Maria ang gumawa kamakailan ng video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-aswa noong mga panahong iyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel