Jameson Blake, naiyak nang mapag-usapan ang stepdad na pumanaw noong 2021

Jameson Blake, naiyak nang mapag-usapan ang stepdad na pumanaw noong 2021

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Jameson Blake nang mapag-usapan ang kanyang stepfather na pumanaw noong nakaraang taon

- Aniya naging mabuti ito sa kanilang magkakapatid lalo sa kanyang ina kaya naman napamahal na rin ito sa kanya

- Aminado siyang nami-miss din niya ang stepfather gayung ito umano ang nagdadala ng saya sa kanilang tahanan

- Si Jameson ay isa sa mga aktor ng teleseryeng 'A Family Affair' na pinagbibidahan din ni Ivana Alawi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang naiyak na ang aktor na si Jameson Blake nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang kanyang stepfather na sumakabilang buhay na noong nakaraang taon.

Jameson Blake, naiyak nang mapag-usapan ang stepdad na pumanaw noong 2021
Jameson Blake (@jmsnblake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na malapit din si Jameson sa kanyang stepdad na tumayong ama niya mula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Nilarawan niya itong 'makulit' at 'maingay' na nagbibigay 'energy' sa kanilang pamilya kaya naman nami-miss nila ito.

Read also

Moira Dela Torre, pinabulaanan may koneksiyon kay Jason Hernandez ang bagong kanta niya

Naikwento rin ni Jameson ang love story ng kanyang stepdad at ina at hindi naman sila nahirapan na tanggapin ang relasyon hanggang sa makasal ang mga ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"We already understood that they are meant for each other," ani Jameson.

"We saw their relationship together na malakas 'yung bond. And most importantly, laging masaya si Mommy. So, dun kami masaya."

Naibahagi rin ni Jameson ang mga huling sandali na nakasama niya ang stepfather.

"Kasi I never tell my stepfather like 'i love you' ganyan. Never ko sinabi 'yun pero, there was this one time maybe a month before he passed away he told me na parang 'hindi na siguro ako aabot ng Christmas, no? Sabi ko, 'wag mong sabihin 'yan... alam mo naman mahal kita. And then we hugged each other. That was the first and the last time I told him that I love him. After a few weeks he passed away"

Read also

Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Jameson Blake ay produkto rin ng reality show na Pinoy Big Brother. Naging miyembro rin siya ng Hashtag ng It's Showtime. Sa ngayon, isa siya sa mga aktor ng teleseryeng 'A Family Affair' na pinagbibidahan din ni Ivana Alawi.

Samantala, talaga namang kaabang-abang ang mga interview ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. Gayundin ang mga latest showbiz chika na mula naman sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel