Vhong Navarro, mananatili sa kustodiya ng NBI kasunod ng paglabas ng ikalawang arrest warrant

Vhong Navarro, mananatili sa kustodiya ng NBI kasunod ng paglabas ng ikalawang arrest warrant

- Mananatili si Vhong Navarro sa kustodia ng NBI kasunod ng paglabas ng arrest warrant laban sa kanya para sa sinampang kaso ni Deniece Cornejo

- Ang ikalawang warrant of arrest ay kaugnay sa kaso kaugnay sa umano'y panghahalay nito kay Cornejo

- Ito ay non-bailabale kaya walang magagawa ang kampo ng TV host kundi ang manatili sa kustodia ng NBI

- Ang naunang arrest warrant para sa acts of lasciviousness ay may piyansang PHP36,000

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mananatili si Vhong Navarro sa kustodiya ng National Bureau of Investigation matapos niyang sumuko kasunod ng paglabas ng arrest warrant laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang ikalawang warrant of arrest ay kaugnay sa kaso kaugnay sa umano'y panghahalay nito kay Cornejo na non-bailable.

Vhong Navarro, mananatili sa kustodiya ng NBI kasunod ng paglabas ng ikalawang arrest warrant
Vhong Navarro, mananatili sa kustodiya ng NBI kasunod ng paglabas ng ikalawang arrest warrant (@vhongx44)
Source: Instagram

Ang naunang arrest warrant para sa acts of lasciviousness ay may piyansang PHP36,000.

Read also

Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate