Rabiya Mateo, dinaan sa TikTok ang sagot sa tsismis tungkol sa pagpapaayos umano niya ng ilong

Rabiya Mateo, dinaan sa TikTok ang sagot sa tsismis tungkol sa pagpapaayos umano niya ng ilong

- Nagbahagi si Rabiya Mateo ng isang TikTok video kung saan makikitang naka-close up ang kanyang mukha

- Nakalagay sa caption ng naturang TikTok video ang mga katagang "Totoo ang chismis hahahaha"

- Makikitang binaliko ni Rabiya ang kanyang ilong pataas at maayos naman itong bumalik

- Ito ang karaniwang ginagawa ng mga sikat na personalidad tuwing papatunyan nilang hindi totoo na nagpaayos sila ng ilong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinaan ni Rabiya Matteo sa isang TikTook video ang kanyang tugon sa haka-haka na nagpaayos umano siya ng ilong. Makikitang binaliko ni Rabiya ang kanyang ilong pataas na hindi nagagawa ng mga sumailim sa rhinoplasty dahil maaring umusli ang inilagay sa kanilang ilong.

Rabiya Mateo, dinaan sa TikTok ang pagsagot sa tsismis tungkol sa pagpapaayos umano niya ng ilong
Rabiya Mateo, dinaan sa TikTok ang pagsagot sa tsismis tungkol sa pagpapaayos umano niya ng ilong (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Matatandaang isa lamang ito sa mga isyung pinukol kay Rabiya ng kanyang mga haters at bashers lalo na noong lumaban siya sa Miss Universe pageant.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel