Mystica, naiyak matapos maging biktima umano ng domestic violence

Mystica, naiyak matapos maging biktima umano ng domestic violence

- Naiyak si Mystica matapos siyang ma-traumatize sa umano'y dinanas niyang domestic violence sa kamay ng lalaking kanyang tinawag na 'husband'

- Sa kanyang binahaging video ay pinakita niya na mayroong binabang temporary restraining order laban sa lalaking tinutukoy niya

- Pakiramdam niya umano ay palaging may aatake sa kanya kaya naman may mga dala-dala siyang bagay na magagamit niya para ipagtanggol ang sarili niya

- Marami naman sa mga netizens ang nabahala para sa kanya at nagpayo na umuwi na lamang siya sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Na-trauma umano si Mystica matapos maging biktima ng domestic violence sa lalaking kanyang tinawag na husband. Sa kanyang binahaging video ay ipinakita niya na mayroong binabang temporary restraining order laban sa lalaking tinutukoy niya.

Mystica, naiyak matapos maging biktima umano ng domestic violence
Mystica, naiyak matapos maging biktima umano ng domestic violence (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Sa sobrang takot umano niya ay nagdala siya ng mga bagay na magagamit niya para ipagtanggol ang kanyang sarili. Kinailangan din daw niyang paandarin lahat ng ilaw at tv sa bahay kung nasaan siya para mabawasan ang kanyang nararamdamang pangamba.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Matatandaang hindi pinalampas ni Mystica ang TikToker na si Jam Magno kaugnay sa mga pahayag nito laban kay Rabiya Mateo. Hindi nagustuhan ni Mystica ang mga pahayag ni Jam laban sa pambato ng Pilipinas dahil lang umano sa paninindigan nito bilang isang babae. Ang tinutukoy niya ay ang naging pahayag ni Rabiya kaugnay sa pagiging "capable" din ng mga babae na maging leaders kagaya ng mga kalalakihan. Matatandaang sinupalpal ni Jam si Rabiya kaugnay nito kung saan sinabihan siya nitong dapat ay naging maingat ang beauty queen sa kanyang opinyon.

Sa kanyang YouTube channel, hindi napigilang magalit ni Mystica sa isang security personnel ng isang mall. Ito ay matapos kumanta ni Mystica at sinita siya ng personnel at sinabihan siyang pasara na ang store. Hindi nagustuhan ni Mystica ang pagpapahiya umano sa kanya ng personnel gayong ni-request lang naman umano ng ilang staff na kumanta siya. Aniya, sa ilang beses na ginawa niya ito sa naturang mall ay ngayon lang siya nakarans ng ganun.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate