Ryza Cenon, nawindang sa mahigit P120,000 na bayarin sa water bill

Ryza Cenon, nawindang sa mahigit P120,000 na bayarin sa water bill

- Binahagi ni Ryza Cenon ang kanyang pagkadismaya sa natanggap na water bill dahil umabot ito sa mahigit P120,000

- Aniya, nawawala pa ang suplay ng tubig sa kanila pagdating ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga

- Mahina din umano ang tubig nila mula alas 5 hanggang alas 9 nang umaga kaya ipinagtataka niya ang bayarin nila sa tubig

- Humingi siya ng paliwanag mula sa service provider ng tubig sa kanilang lugar kaugnay sa di kapani-paniwalang water bill niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Ryza Cenon kaugnay sa kanilang water bill na umabot sa mahigit P120,000. Sa kanyang IG story, binahagi niya ang picture ng kanyang bayarin sa tubig.

Ryza Cenon, nawindang sa mahigit P120,000 na bayarin sa water bill
Ryza Cenon, nawindang sa mahigit P120,000 na bayarin sa water bill (@iamryzacenon)
Source: Instagram

Ani Ryza, nawawala pa ang suplay ng tubig sa kanila pagdating ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga at mahina din umano ang tubig nila mula alas 5 hanggang alas 9 nang umaga kaya ipinagtataka niya ang bayarin nila sa tubig. Kaya naman humihingi siya ng paliwanag mula sa nagsusuplay ng tubig sa kanilang lugar.

Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain MAYNILAD from 3,680 last month ngayon120k?!!!?????

Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan ay naibahagi ni Ryza ang picture ng anak na nagkaroon ng ubo at sipon. Inihayag niya ang kanyang kahilingan na sana ay gumaling na ang kanyang anak. Umani ng mga komento ang kanyang post. Marami sa mga kagaya niyang ina ang nagbigay ng payo sa gitna ng pinagdadaanan niya bilang ina.

Samantala, naibahagi niya rin ang pagpasok ng anak niyang si Night sa paaralan. Nakwento niyang umiyak ang kanyang anak sa unang araw nito sa pagpasok. Gayunpaman, nalampasan ito ng anak at naging maayos naman. Nabanggit niya rin ang kanyang naramdaman sa unang araw ng anak niya sa school at marami ang naka-relate sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel