Buboy Villar at Jelai Andres, kinakiligan sa pinagbidahang music video

Buboy Villar at Jelai Andres, kinakiligan sa pinagbidahang music video

- Nagkasama ang magkaibigang Buboy Villar at Jelai Andres sa isang music video sa unang pagkakataon

- Sila ang bumida sa awiting "Colors Everywhere" na kinanta ni Morisette Amon at unang pinasikat ni Christian Bautista

- Marami ang nakapansin sa chemistry ng magkaibigan na palaging magkasama sa kanilang mga vlogs at trabaho

- Hirit ng mga fans nila, sana ay mabigyan sila ng pelikula o di kaya ay show na magkasama sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilig nina Jelai Andres at Buboy Villar ang mga tagahanga nila sa kanilang pagganap sa music video ng kanta ni Morisette Amon. Marami ang nakapansin sa chemistry ng magkaibigan na palaging magkasama sa kanilang mga vlogs at trabaho.

Buboy Villar at Jelai Andres, kinakiligan sa pinagbidahang music video
Buboy Villar at Jelai Andres, kinakiligan sa pinagbidahang music video (@buboyvillar)
Source: Instagram

Sa mga vlogs ni Jelai ay palagi niyang nakakasama si Buboy at gayundin naman si Buboy. Maging sa kanilang mga out-of-town shows ay naiimbitahan silang magkasama. Marami ang kinilig sa kanila at hirit ng mga fans nila, sana ay mabigyan sila ng pelikula o di kaya ay show na magkasama sila:

Read also

Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna

Ang galing pumili ng universal records ng mga artists na gaganap. Di kau nagkamali kay BuBoy Villar and Jelai Andres. Gang dto sa Canada nakakaabot ang chemistry nila. Lab et
Grabe yung chemistry nila Jelai at Buboy talaga. Napaka effective. Siguro dahil na din sa close na close na din silang talaga sa totoong buhay kaya may ganitong factor. Tapos sinamahan pa ng napakagandang rendition ni Morissette ng kanta na 'to.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Yung paulit ulit kung pinanood tapos paulit ulit din akong umiyak. Sobrang ganda ng MV hands down to Jelai and Buboy. Love them both

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel