Cristy sa nababalitang relasyon nina Zanjoe at Ria; "Maligaya tayo sa kanila, kung totoo man"

Cristy sa nababalitang relasyon nina Zanjoe at Ria; "Maligaya tayo sa kanila, kung totoo man"

- Napapabalita umano na shindi lamang si Arjo ang Atayde na masaya ang puso ngayon

- Usap-usapan din kasi ang umano'y relasyon nina Zanjoe Marudo at kapatid ni Arjo na si Ria Atayde

- Ayon kay Cristy Fermin, hindi pa man daw ito inaamin ng dalawa subalit nagbibigay na umano ng paunti-unting detalye si Zanjoe

- Totoo man o hindi ang umano'y relasyon ng dalawa, masaya sila para kina Zanjoe at Ria na bagay na bagay sa isa't isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa kanilang channel na Showbiz Now Na! ay ang relasyon 'di umano nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Cristy sa nababalitang relasyon nina Zanjoe at Ria; "Maligaya tayo sa kanila, kung totoo man"
Cristy Fermin (Screengrab from Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na tila hindi lamang si Arjo ang Atayde na masaya ang puso ngayon dahil sa engagement niya kay Maine Mendoza dahil ang kapatid nitong si Ria ang napapabalitang girlfriend ni Zanjoe.

Read also

Sen. Tulfo, ipasasama na sa Maynila si Leobert Dasmariñas para sa lie detector test

"Mukhang ito 'yung hindi pa nila inaamin pero si Zanjoe nagbibigay na ng kaunti-kaunting detalye," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Romel, nagulat umano siya sa nababalitang bagong showbiz couple na ito subalit nang makita niya raw si Ria, lalo itong gumaganda. Sinang-ayunan naman ito ni Morly na maging ang aura raw ni Zanjoe nang makita niya ay kakaiba rin.

"Parang si Zanjoe, masarap maging karelasyon. At saka hindi siya 'yung pakitang tao. 'Yung best foot forward na tinatawag. Kung ano 'yung kanaturalan niya, 'yung naturalesa niya, 'yun ang pinapakita niya," dagdag pa ni Cristy.

Gayunpaman, totoo man daw o hindi ang pag-iibigan ng dalawa, bagay daw talaga sina Ria At Zanjoe.

"Basta maligaya tayo para kina Zanjoe at Ria kung totoo mang sila na ngayon," ayon pa kay Cristy.

Read also

Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz

Si Cristy Fermin isa sa mga kilalang showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika sa loob at labas ng bansa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica