Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz

Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz

- Ayon sa ina ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco, pinagdadasal niya ang mag-asawang Heart at Chiz Escudero

- Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi nito na alam niyang magiging maayos sila dahil nakilala niya umano si Chiz bilang isang mature at grounded na tao

- Gayunpaman, wala umano siyang alam kung may pinagdadaanan nga ang mag-aswa dahil hindi pa umano niya nakakausap ang mga ito

- Matatandaang ilang araw nang naging usap-usapan ang espikulasyon tungkol sa umano'y paghihiwalay nina Chiz at Heart

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Cecilia Ongpauco, ang ina ni Heart Evangelista, alam niyang magiging maayos sina Heart at Chiz Escudero dahil nakilala niya umano si Chiz bilang isang mature at grounded na tao.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi niyang wala umano siyang alam kung may pinagdadaanan nga ang mag-asawa dahil hindi pa umano niya nakakausap ang mga ito.

Read also

Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito

Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz
Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz (@iamhearte)
Source: Instagram

Gayunpaman, pinagdadasal niya umano ang mag-asawa.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa isang vlog ni Heart noong June 2021 ay nakasama nilang mag-asawa ang ina ni Heart at maging ang kapatid niya.

Sa isang ulat ng Philippine Star, matatandaang naging usap-usapan ang pagtanggal nito ng apelyidong Escudero sa kanyang Instagram account.

Naiulat din ng Interaksiyon ng Philippine Star na hindi na rin umano suot ni Heart ang kanyang wedding ring.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

RR, sa acne post ni Heaven Peralejo; "Siguro napaka-insensitive niya to post that"

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel