Ethel Booba, pinasilip ang bonggang 3rd birthday celebration ng anak

Ethel Booba, pinasilip ang bonggang 3rd birthday celebration ng anak

- Binahagi ni Ethel Booba ang video ng bonggang birthday celebration ng anak nila

- Nagdiwang ng kanyang ika-tatlong taon ang anak nila ni Chef Jessy na pinangalanang nilang Michaela

- Dahil kilala sa kanilang mga prank video, maging ang mga guest nila ay hindi nila pinalampas at nabiktima ng prank

- Naka-costume silang mag-anak para sa birthday party niya na dinaluhan ng mga ninong, ninang at kanilang pamilya at mga kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ethel Booba ang bonggang birthday celebration ng anak nilang si Michaela. Nagdiwang ito ng kanyang ika-tatlong kaarawan noong February 14.

Ethel Booba, pinasilip ang bonggang 3rd birthday celebration ng anak
Ethel Booba, pinasilip ang bonggang 3rd birthday celebration ng anak (@ethelbooba)
Source: Instagram

Dahil kilala sa kanilang mga prank video, maging ang mga guest nila ay hindi nila pinalampas at nabiktima ng prank. Natawa na lamang ang mga ito nang malamang maging sila ay nabiktima ng prank ng mag-asawa. Bago pumasok sa venue ay kinailangan umano nilang magbayad.

Read also

James Reid, ibinida si Issa Pressman sa kanyang Instagram post

Bukod sa kanilang pagsuot ng costume ay nag-pictorial din ang mag-anak.

Narito ang ilang komento ng mga viewers:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I love how Ethel dressed up her daughter, mukhang bata lang talaga unlike yung ibang mommy na nilalagyan ng make-up yung bata nag mumukha tuloy dalaga yung ibang bata. Si Michaela mukhang bata lang talaga very beautiful. Happy Birthday baby!
Isang thank you mommy lang sapat na hehe happy birthday Michaela
Paranng kailan lang 3 taon na si Michaela at magandang bata. Happy birthday and God bless you

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Read also

Mariel Padilla, binenta ang sosyaling mga damit ng anak sa kanyang 1st anniversary bilang live seller

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel