Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”

- Nagbahagi si Andrew Schimmer ng isang nakakaantig na mensahe na tugma sa pinagdadaanan nilang mag-anak

- Sa kanyang Facebook post ay nailahad niya ang mensahe tungkol sa walang sawang pagsuporta sa taong nangangailangan sa kanya

- Matatandaang marami ang humanga sa pinakita niyang katatagan at pagmamahal sa kanyang pamilya sa kabila ng hirap na dinaranas niya matapos ma-ospital ang kanyang misis sa loob ng mahigit 9 na buwan

- Marami naman sa mga komento sa kanyang post ay tungkol sa pagpapalakas pa lalo sa loob ng aktor sa gitna ng pinagdadaanan ng kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Andrew Schimmer ng isang mensahe na talaga namang umantig sa mga netizens. Ibinahagi niya ang mensahe tungkol sa walang sawang pagsuporta sa taong nangangailangan sa kanya.

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”
Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone” (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Hinangaan ang aktor sa pinamalas nitong katatagan at matinding pagmamahal sa kanyang maybahay na mahigit na 9 na buwan na sa ospital. Hindi nito alintana ang hirap basta aniya ay hinding-hindi niya susukuan ang kanyang asawa.

Read also

GF ni Xander Ford, buntis; "Yes po pregnant po ako for 6 months"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Kamakailan ay inahagi ni Andrew ang update tungkol sa kalagayan ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakatanggap na umano sila ng clearance mula sa ilang doktor nila at naghihintay na lamang sila ng clearance mula sa kanilang pulmonologist. Kapag maayos umano ang resulta ng mga laboratory tests ay maaring maiuwi na nila sa katapusan ng buwan ang kanyang misis. Muli ay pinasalamatan ni Andrew ang mga netizens na tuloy-tuloy ang pagdarasal para sa kanila.

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate