Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador

Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador

- Sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Markus Paterson na halos isang taon na rin ang lumipas nang maghiwalay sila ni Janella Salvador

- Nito lamang nakaraang mga araw inamin ng dalawa ang tungkol sa paghihiwalay nila ngunit masaya umano sila sa kanilang buhay

- Nilinaw din niyang binibigyang halaga nila sa kasalukuyan ang kanilang anak na si Jude

- Hindi umano tungkol kay Janella ang kanyang binaggit sa isang podcast kamakailan na talaga namang naging usap-usapan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Markus Paterson na halos isang taon na din nang maghiwalay sila ni Janella Salvador. masaya umano silang parehos sa kani-kanilang buhay at priority nila ang anak na si Jude.

Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador
Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram
Just to clear up the facts, me and janella have been broken up for almost a year. She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude.

Read also

Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon

Nilinaw niya din na hindi umano tungkol kay Janella ang kanyang binaggit sa isang podcast kamakailan na talaga namang naging usap-usapan.

What I said in the podcast wasn't actually about her, but I understand that it was open to misinterpretation because of the way I phrased it & since we never actually announced our break up.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador
Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador (@markus)
Source: Instagram

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng "Born For You". Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Kinalaaunan ay isinapubliko nila ni Markus Paterson ang tungkol sa kanilang relasyon. Sila ay nabiyayaan ng isang anak.

Matapos maibalita ang tungkol sa pagkakakilanlan ng artistang gaganap bilang Valentina sa telseryeng Darna, marami ang bumati kay Janella. Sa kanyang post sa social media ay pinasalamatan ni Janella ang lahat ng bumati sa kanya. Ito ang kanyang magiging unang serye simula nang bumalik siya matapos niyang manganak. Gaganap siya bilang si Valentina, ang magiging kaaway ng bidang si Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon.

Read also

Ina ni Heart Evangelista, pinagdadasal umano ang mag-asawang Heart at Chiz

Samantala, sa kanyang Instagram post ay pinakilala ni Janella ang kanyang bagong alagang ahas na pinangalanan niyang si Versace. Makikitang hinahawakan niya ang kanyang five-month-old na alaga na aniya ay kanyang baby girl. Tugmang-tugma ito sa kanyang bagong gagampanang karakter sa teleseryeng Darna na nakatakdang ilabas. Siya ang gaganap bilang si Valentina, ang kontrabida ng sikat na serye na nauna na ring naipalabas rin at nagawan ng maraming version.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel